*Sallie's POV* "Dance with me." Bulong sakin ni Kaeden. Bahagya pa kong napaigtad ng maramdaman ang hininga nya sa tapat ng tengga ko. Naalis ko din bigla sa nagsasayaw na mga kaibigan ko ang tingin ko at bumaling sa kanya. Pero hindi naman niya hinintay ang magiging sagot ko dahil hinawakan nya bigla ang kamay ko at hinila ako patayo. Saglit kong nilabanan ang paghila niya. Pero nilingon nya lang ako at lalo pang hinigpitan ang hawak niya. Nakita ko ring sumilay ang ngiti sa labi niya na para bang natatawa pa siya sa ginagawa ko. Aalma na sana ako sa kanya ng mapansing sa amin nakatingin ang karamihan sa mga estudyanteng malapit sa amin. Mapa Lumiere o Nacht halatang curious sa kung ano ang ginagawa o gagawin palang namin ni Kaeden. Nakita ko ring ng yukuin nila ang magkahawak nam

