*Rosallie's POV* "Ate Sallie!!!!!! Inaaway nanaman nila ko!" Bungad sa akin ni Tom pagkapasok na pagkapasok namin ni Racky sa Advance Class naming mga Aether User. Parang naiiyak at nakalabi pa siyang pumunta sa likod namin ni Racky at matalim na tiningnan ang mga kaklase namin. Natatawang tiningnan naman namin siya ni Racky bago bumaling din sa mga kaklase namin. At gaya ng mga naging unang araw namin dito. Nakita naming nagkukumpulan ang mga bago naming kaibigan. Nakaupo sa upuan niya sa tabi ng bintana si Yanie, habang nakasandal sa mesa niya si David. Si Angel at Jarrah naman ay nakatayo sa magkabilang gilid nila. Lahat sila nakangisi at nanunuksong nakatingin sa amin. "Hoy.. Inaway nyo na naman tong bata? Tsk tsk tsk." Naiiling ngunit nakangiting sabi ni Racky. Nagsimula siyang

