CHAPTER ELEVEN

2005 Words

CHAPTER - 11 Hindi natuloy ang pag-alis ng binatang si Pierce dahil sa kanyang paglabas sa kanilang gate ay siya namang pagtigil ng isang sasakyan sa mismong tapat niya. Sa pag-aakalang kalaban ang dumating lalo at katatapos lamang ang gulo sa loob ay agad niyang binunot ang kanyang baril. " Sorry po sir kung natakot ka po namin pero hindi po kami kalaban." nahintatakutang aniya ng nasa manibela saka bumaba at binuksan ang ibang pinto ng sasakyan. Tumambad sa kanya ang isang basket na may mahimbing na natutulog na sanggol kaya naman agad ibinalik ni Pierce ang hawak na baril sa kanyang baywang kung saan ito nakasukbit. " Sir dito po ba namin matatagpuan si Captain Pierce Wesley Abrasado?" agad na tanong ng isang batang nasa tabi ng basket kung saan mahimbing na natutulog ang sanggol.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD