"Nagtatrabaho ka ba o ano? Nanunuod ka na yata ng bold d'yan, ang aga-aga." Napaangat ang tingin ko dahil sa nagsalita mula sa pagtitig sa aking laptop. Si Tristan pala. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya maging ang pagkatok n'ya sa aking opisina. Malayo na yata talaga ang narating ko. "Anong ginagawa mo rito?" sa halip ay tanong ko kesa sagutin ang tanong niya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay bago mabilis na pinihit ang laptop ko paharap sa gawi niya. "Naka-off naman pala 'to, so bakit kung makatitig ka d'yan ay wagas?" tanong niya. Naupo s'ya sa silya sa harapan ng table ko. Umiling ako. "Wala may iniisip lang." Tiningnan niya ako ng mataman. "May problema ba? Nakabuntis ka ba?" Nagsalubong ang mga kilay ko. Kapag natulala, nakabuntis agad? Tsk! "Maingat akong makipag-s*