"Baby..." tawag ko kay Miel pagdating ko sa loob ng bahay. Nakaupo s'ya sa couch habang nakade-otso ang mga hita, nakasimangot rin ang mukha niya. "Bakit ngayon ka lang?" mataray na tanong niya kaya napakamot ako sa kilay ko bago naglakad palapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi. "Sorry Baby. Sobrang traffic kasi kanina dahil may banggaan sa kalsada kaya ako natagalan," sagot ko, dahil iyon naman talaga ang totoo. Inis na inis nga ako habang naghihintay umusad ang mga sasakyan sa aking unahan tapos dumagdag pa sa inis ko iyong huling hitsura ni Rica kanina noong iwanan ko s'ya sa opisina. May idea ako kung bakit ganun ang mga mata niya pero pilit kong idine-deny sa sarili ko dahil ayokong magkaroon kami ng awkward moment na dalawa kapag magkasama. Siguro magla-lay low na lang ako