Chapter 24: Miel

2043 Words

"Oh hijo? Akala ko ba hindi ka dito maghahapunan?" tanong ni Manang Linda, kay kuya nang pumasok ito sa dining area kasama si Rica. "Pasok kayo, hija." Kakaupo pa lang namin sa harap ng hapag kainan at kanina lang ay parang gutom na gutom ako pero nang makita ko sila, para akong nawalan bigla ng ganang kumain. "Hello po, good evening sa inyong lahat," bati niya na parang nahihiya. Tss! Nakakainis! Bakit ba kailangan pa n'yang isama rito ang babae niya? Gusto n'ya bang ipakita sa akin na kahit boyfriend ko na si Anton ay wala s'yang pakialam dahil hindi naman ako kawalan? Kanina kasi, sinabi sa akin ni Lanie na kinausap daw niya si kuya at sinabi raw niya na kami na ni Anton. Tinanong ko nga kung anong sinabi ni kuya o ang reaksyon n'ya pero dapat pala hindi ko na lang tinanong dah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD