"Ala ey, ulitin mo nga ang iyong sinabi Bunso. Tama ga ang pagkakarinig ko? Binuntis ka ng lalaking ito?!" mahinahon pero mababakas na ang pagkadisgusto sa boses ng ama ni Alison. Napahawak naman sa kamay ni Alison si Blade, medyo kinabahan siya sa maaring gawin ng ama ni Alison pero nakahanda naman siyang tanggapin ang galit ng ama nito. Kahit bugbugin siya nito hindi siya susuko, gagawin niya ang lahat para matanggap din siya ng pamilya nito. "Opo Itay, sorry po. Hindi ko naman po sinasadya Itay, sana po mapatawad ninyo ako ni Inay." mahina ang boses na sagot ni Alison habang nakatungo, hindi nito nakayanang salubungin ang puno ng hinanakit na tingin nito sa kanya. Biglang natahimik ang lahat, ang mga kapatid ni Alison ay tila hindi pa nakabawi sa pagkagulat. Kinakabahan siya sa a