Hindi mapigilan ni Kellan na mapaisip kung anong gagawin ni Mizerus sa oras na kasama nila ito. Naguguluhan siya kung ano nga ba ang dapat niyang gawin sa mga oras na iyon. Top priority nila si Leila ng mga oras na iyon ngunit kung iisipin, dapat na sa mga oras na iyon ay ipinapaalam na rin niya kay Titus ang mga mangyayari sa mga oras na iyon lalo pa at si Titus lamang ang tanging pag-asa nila para makatakas sila mula sa Purification ngunit hindi niya rin puwedeng hayaan na may mangyaring masama kay Leila lalo pa at nalaman niyang si Larid ang mamumuno ng mga anghel na papatay sa napakaraming grim reaper at hindi lamang mga grim reaper kung hindi pati na rin ng iba pang nilalang na nabubuhay kasabay nila. "You should go inside, Kellan," biglang sabi ni Larid na kunot-noong ikinalingon

