"Hey..." Tila nabalik sa wisyo si Larid nang marinig ang malamyos na boses na iyon ng kaniyang pinakamamahal na asawa. Nang mag-angat siya ng tingin, ang mga mata agad ng kaniyang asawa ang kaniyang nakita. Parehas na parehas iyon sa mata ng dati niyang asawa. Just like his wife, Leila has a jade colored eyes. Napaka-inosente rin ng mukha kagaya ng mga mukha na mayro'n ang isang anghel ngunit ang kagandahang taglay ng kaniyang asawa ang katangi-tangi para sa kaniyang mata. Kung kaya naman tila may sarili buhay ang kaniyang katawan na kumilos at kinabig ang kaniyang asawa. Inilingkis niya ang kaniyang kanang braso sa makurba nitong baywang pagkatapos ay mahigpit na inilapit ang katawan nito sa kaniya. Nasa mukha ni Leila ang pagkagulat habang nakatingin kay Larid na ngayon ay nakapikit n

