IF Phoebe has a chance to choose what she really wants, it is a family who stays together, even problems are parting them apart.
But since she was hurt again by Francheska, her faith in having what she really wants is not the same again. She is not the same again. All she can ever think about was ignoring her Dad and Francheska.
Nasa isip niyang umakto na lang na para bang wala siyang kasama sa malaking mansion nila kung hindi ang mga alaga niya lang. Gusto niya rin iwasan si Francheska.
Hindi biro ang mga ibinigay nito na sakit sa katawan sa kaniya dahil hanggang ngayon, makikita pa rin sa katawan niya ang mga pasa at sugat sa labi niya. Kahit nahihiya pa siyang pumasok, kailangan niyang kumilos at baka sumugod na naman sa kaniya si Francheska.
"Ate Phoebe, kain po uli tayo ng lasagna," nakangiting sabi ni Aliyah na ngayon ay nakatayo sa harap niya habang may hawak itong plato na puno ng paborito njyang pagkain.
If everything was fine, if everything is nice just like back then, she would gladly accept the lasagna in front of her. God knows na kahit kailan ay wala siyang tinanggihan na lasagna dahil sa oras na makakita siya ng lasagna, hindi na niya ito matanggihan.
But things must have it changes, just like her Stepmother wants. Gusto nitong iwasan niya ang anak nito. Alam nitong napalapit na sa kaniya ang anak nitong si Aliyah kung kaya't maging si Aliyah ay damay sa galit nito sa kaniya.
"Aliyah, bumalik ka na sa kuwarto mo. Or do your homework. Baka mapagalitan ka rin ng Mommy mo," Phoebe said. Trying to look hard on Aliyah but she must have known that Aliyah is persistent when she wants something.
"But..." Aliyah's smiling face instantly changed.
Maluha-luha na si Aliyah habang nakanguso kung kaya't agad itong hinila ni Phoebe papasok sa kuwarto niya. Tumingin muna si Phoebe sa labas ng kuwarto at nang makita na walang tao ay agad niyang sinarado ang pinto ng kuwarto niya.
Pagkalingon niya kay Aliyah, nakangiti na ito habang nilalaro si Milaska.
"Aliyah, hindi ka puwedeng magtagal dito. Baka malaman ng Mommy at saktan ka rin ng Mommy mo. Nakita mo naman ang nangyari kahapon, hindi ba?" tanong ni Phoebe na sinagot ni Aliyah ng malungkot na tango.
"I'm sorry, Ate Phoebe. I don't know what triggers Mom this time. But I saw what she did..." nagsimula na naman itong ma-iyak habang nakanguso kung kaya't napatawa siya ng mahina.
She can't deny Aliyah's cuteness. Kamukha nito ang Stepmother niya pero hindi maalis ang genes ng Daddy niya dito. Lahat silang may dugong Rhoades ay napakaganda at ma-itsura.
"Stop that." Nilapitan niya ito at niyakap. Kinuha niya ang hawak nitong may lasagna at inilapag sa study table niya. "It's okay now. I'm okay now, see?" aniya at binatawan sa pagkakayakap si Aliyah para ipakita ang sarili niya.
Nakanguso pa rin ito habang nakatingin sa kaniya. "But you are covering yourself, Ate Phoebe," sagot nito na ikinatingin niya sa sarili niya.
Humarap siya sa human-length niyang salamin at tinignan ang sarili. Nawala ang ngiti niya nang makita niya nang buo ang sarili niya sa salamin.
She's wearing a turtle neck long sleeve top paired with jeans and sneakers. Namamaga rin ang mata niya sa kakaiyak hanggang sa makatulog siya. Phoebe sighed. She admits, she doesn't look fine to go to the university but she can't also skip class.
Magkakaroon siya ng bad record and she knows what's also going to happen lalo na't may bodyguard din siyang nakabantay sa kaniya.
"But this is the only thing I could wear to hide my bruises, Aliyah. Kung nandito lang si Daddy baka ako na mismo ang magsasabi sa kaniya na hindi ako makakapasok, Aliyah. But you know your Mom, she's gonna explode again," naiinis niyang sabi at muling tumabi kay Aliyah.
"I'm sorry talaga, Ate Phoebe. I don't know why Mom is like that to you. Mabait naman sa akin si Mommy, eh," Aliyah said and Phoebe just sighed.
Bata pa ito. Of course, hindi nito alam ang mga pangyayari. But what Francheska did, beating her to the pulp in front of Aliyah is really unacceptable.
Kung ano man sanang pananakit ang ibibigay sa kaniya ni Francheska ay hindi na lang sana ipinakita ni Francheska kay Aliah. Aliah is so innocent.
Hindi pa nito maiintindihan ang mga nangyayari sa kanila ngayon. Ayaw niya rin mag-iba ang tingin ni Aliyah sa Ina niya.
Because she knows in her heart, Francheska is just hurt. Nasaktan lang ito dahil niloko ito ng Dad at Nanay Ava niya. Hindi niya mahayaan ang sarili na mabuo ang galit niya sa sarili niya para kay Francheska.
Because just like her, her Stepmother is also just a victim. And she's still hoping that her Stepmother can accept her again.
Nothing is wrong with hoping anyway.
PHOEBE blows a loud breath as she looks outside the window of the car she's in.
Nasa tapat na sila ng university pero hindi pa rin siya bumababa. Wala siyang lakas para harapin ang mga tingin ng tao sa kaniya pero mas hindi niya rin kakayanin na saktan siyang muli ni Francheska.
"Hey, young lady."
Walang-gana siyang humarap sa bodyguard. As always, nakasuot na naman ito ng fedora at long black jacket. Nagmumukha na itong isa sa mga kasapi ng Men In Black. But T, her bodyguard is far more gorgeous than those leading men of Men In Black.
Her bodyguard, T killed it.
"What?" she said before turning her gaze back to the front gate of the university.
"Everything will be alright this time, young lady. You will be fine," T said with assurance.
Hindi mai-alis ni Phoebe ang takot sa pagkatao niya habang nakatingin sa front gate ng university na puno ng mga estudyante.
Hindi pa rin naman nagbubukas ang gate ng university. Usually, kapag sa oras na dumating na sila sa tapat ng university, bababa na siya at pipila sa pagpasok.
But this time, she wants to cage herself inside the car. Nag-aalangan siyang lumabas lalo na nang makita sila Brittany, Kendra at Letisha na pare-parehong nakatulala habang nakapila.
"I don't think I can go out." Nagpa-panic siyang tumingin kay T. "Please, help me to explain it to Dad. Francheska will also kill me sa oras na malaman niyang hindi ako pumasok. She has contacts."
Titus just chuckled.
"Miss Phoebe."
Napatingin siya sa Driver niya. Nakakunot-noo ito habang hawak ang cell phone nitong Nokia N95.
"Ano po iyon, Kuya?"
"Pinapauwi ka raw ng Daddy mo, Miss Phoebe. May nangyari daw masama kay Mam Francheska nang makauwi ang Daddy mo," ani ng Driver niya kapagkuwan ay minaneho paalis ang kotse sa tapat ng university.
"May nangyaring masama kay Mommy? How come?" pabulong niyang tanong ngunit mukhang narinig siya ng bodyguard niya.
"Maybe, it's because karma is a b***h, young lady," T said that made her gulp as she looks at her bodyguard's dark face.
Karma is a b***h? Does her Stepmother even deserve the karma? She doesn't know. Phoebe is also thankful that she can't go to school today. Tutal ay hindi niya pa rin naman kayang harapin ang panghuhusga at pangangantyaw sa kaniya ng mga kaklase niya.
She needed the rest day.
Nang makarating sila sa mansion, agad na sumalubong sa kaniya si Aliyah na umiiyak habang hawak nito ang alaga niyang si Milaska.
Niyakap niya agad ito nang makalapit ito sa kaniya. Agad din siyang nakaramdam ng kaba at takot sa mga nangyayari.
Lalo na't sunod-sunod din ang kotseng nagsipagtigilan sa tapat ng kanilang mansion. Hinila niya agad si Aliyah sa loob ng mansion nang may lumabas na mga paparazzi sa mga sumunod na kotse na dumating sa tapat ng mansiyon nila.
Dinala niya si Aliyah sa kuwarto niya pagkatapos ay pinaupo ito sa higaan niya.
"Anong nangyayari, Aliyah? What happened to your Mom?" agad niyang tanong dito.
"She slapped me and then..." Aliyah continues to cry. "And then... then she became violent. Nagwawala siya."
Phoebe sighed. Hindi niya alam kung bakit nagkaka-gano'n ang Stepmother niya.
Hinayaan niyang matulog si Aliyah sa kuwarto niya. Sinamahan niya ito hanggang sa umabot na ng gabi kung kaya't naisipan niyang lumabas.
Pumunta siya sa kuwarto ng Dad at Stepmother. Sa pagsilip niya sa siwang na nakabukas na pinto, nakikita niyang may kausap ang Daddy niya habang ang Stepmother naman niya ay tahimik na natutulog.
Parang hindi ito ang bayolenteng Francheska na nananakit sa kaniya. Sobrang putla dito nito habang hawak ng Dad niya ang kamay nito.
"Tell me, what the f**k happened to my wife?!" sigaw ng Dad niya.
"Sorry if we have misdiagnosed her condition, Mr. Rhoades. But it seems your wife has a complex post-traumatic stress disorder, Mr. Rhoades," sagot ng isa sa mga kaharap ng Dad niya.
"Complex post-traumatic disorder? How come did she get that?!" bulyaw ng Dad niya.
Nanatiling tahimik si Phoebe habang nakasilip. S
"Complex post-traumatic disorder can be a cause of abuse, neglect, or abandonment. She may have also suffered domestic violence but just like what you said, you have never hurt your wife," sagot ng isa sa mga kausap na Psychologist ng Dad niya.
"Yeah! I never tried to hurt her. Even if this woman has been giving me a problem for the past few years. I am always busy with my family business," her Dad sighs before standing up from Francheska's side.
"Whatever the cause of this complex Complex post-traumatic disorder of my wife, I want her fixed. I am not really aware of my wife's disorder but I've never thought that she's been through too much."