Pakiramdam ni Larid ay may nabaling buto sa kaniyang dibdib habang sinusubukang alisin ang sarili mula sa pagkakabaon ng kaniyang katawan sa pader. Damn it. Galit niyang sabi sa kaniyang isipan. Nahihirapan siyang kumilos at hindi niya magawang igalaw ang kaniyang katawan lalo na't sa unang pagkakataon, tinablan siya ng pananakit ng katawan. Naiinis man ay hindi niya ngayon magawang kumilos habang naririnig ang dumadagundong na tawa ng demonyo. Pinanood niya itong kumilos. Nasa galaw nito ang senyales ng panghihina mula sa pagkakasaksak niya rito ng angel blade ngunit kagaya nang sinabi ng kaniyang Ina. Malakas pa rin ang demonyo hangga't hindi niya napuputol ang sungay nito. "And now, you are doomed..." Komento ng demonyo pagkatapos nitong maitayo ang sarili mula sa pagkakasadlak sa sem

