Namumuo na ang pawis sa noo ni Titus habang pinipigilan niyang mapatingin sa gawi ng anghel. Patuloy pa rin ang pagyanig ng buong mall at gusto na niyang lumabas ngunit dahil kay Alvin, hindi niya magawang umalis. Damn it! Then how are we going to get out of here? Mas lalo lang naging komplikado ang lahat simula nang biglang magpakita ang mga anghel ngayong gabi ng kanilang trabaho. "Paano tayo makakalabas ng buhay dito, Alvin? Paanong malalaman niya na kakaiba tayo sa mga kasama natin dito?" mahina ngunit sapat ang lakas para marinig ni Alvin ang sinabi ni Titus. "We will find a way, Titus. Sa ngayon, hindi natin puwedeng ipaalam sa anghel na iyan na kakaiba tayo mula sa mga kasama natin ngayon dahil sa oras na malaman niyang kakaiba tayo mula sa mga kasamahan natin ngayon, maaaring

