PHOEBE rolled her eyes as her Dad knocks on her door again.
"I'm not done yet!" sigaw niya habang nasa loob ng banyo.
"Make it quick, Phoebe," her
Maingat at dahan-dahan inilagay ni Phoebe ang eyeliner sa kaniyang mata kapagkuwan ay napangiti pagkatapos ay kinuha ang lipstick niya.
Phoebe applied the rosewood red-colored lipstick on her lips then smiles in the huge mirror in her bathroom.
Lumabas si Phoebe sa bathroom at tinignan ang kabuuan sa human-length mirror na nasa kuwarto niya.
She's wearing a big t-shirt she tucked in paired with denim shorts and wedge sneakers. She's glad that she have gone shopping before her Dad made her grounded. At least, she's ready.
Agad na nawala ang ngiti ni Phoebe nang marinig muli ang pagkatok ng Dad niya sa pinto ng kuwarto niya.
"Wait!" sabi niya kapagkuwan ay lumapit kay Atreus at Milaska.
Pareho niya itong hinalikan sa mga ulo bago lumabas ng kaniyang kuwarto at hinarap ang kaniyang Dad.
"Why am I even needed to go? Baka naman hindi mapa-kain ng maayos sila Milaska at Atreus," walang gana niyang sabi sa Dad niya.
"Everything will be fine to Atreus and Milaska, Phoebe. I already told everyone that you're pets are the top priority in the mansion while we are gone, okay?" seryosong sagot sa kaniya ng Dad niya na ikina-ikot na lang ng mata niya.
Mas lalo lang sumasama ang loob niya sa tuwing nakakasagutan niya ang Dad niya. Hiling niya lang sana kung saan sila pupunta ay hindi boring. Baka mas lalo lang siyang ma-bad trip sa Dad niya kapag nagkataon.
"Dad, I'm ready!"
Pareho silang napatingin kay Aliyah na papalapit sa kanila. Pakiramdam ni Phoebe ay may pumiga sa puso niya nang makitang ngumiti ng matamis ang Dad niya kay Aliyah.
Did Dad smile to me earlier that way he smiled on Ali?
Napailing siya kapagkuwan ay tinalikuran ang Stepsister at Daddy niya. She's hurt to see how her Dad treats her differently. Hindi niya kayang makita ang Dad niya na mas masaya sa Stepsister niya kaysa sa kaniya.
Alam naman niyang sa harapan lang din ng mansion maghihintay ang limousine ng Dad niya kaya nang makalabas siya sa mansion ay dumiretso na siyang sumakay sa loob ng limousine.
Sinuot niya ang kaniyang sunglasses pagkatapos ay sumandal. Umaaktong nagpapahinga.
Ilang segundo lang din ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto ng limousine senyales na may pumasok kapagkuwan ay narinig niya ang pagsirado ng pinto ng kotse.
"Ano ka ba naman, Ate Phoebe? Bakit ka nanguna?" tanong sa kaniya ni Aliyah na ikinabuntong-hininga niya.
"Shut up, please. I'm resting," sabi niya na alam niyang ikinatahimik ni Aliyah.
She knows. She knows how to hurt Ali's feelings. Nakasama niyang lumaki si Aliyah sa iisang mansion kung kaya't kabisado niya ang gusto nito maging sa makakasakit ng damdamin nito o hindi.
Hindi naman niya gusto sana itong masali sa sama ng loob niya sa Dad niya ngunit hindi niya rin kayang sikmurain na makitang pinipili ito ng Dad niya sa mismong harap niya.
She also grows distant from Aliyah when she meets her big circle of friends who accepted her, of who she is and what she is to her family.
Hindi na niya mas lalong napapansin ang Stepsister niya lalo na't ang mas iniisip niya ay ang patunayan ang sarili niya sa Daddy niya.
Gusto niyang makita ng Daddy niya na hindi ang pera nitong pinaghirapan ang gusto niya. She understands that her Dad was a business-minded person but that is also the reason why she is so distant from his Dad.
Nawawalan ito ng oras lalo na't halos laging puno ang schedule ng Dad niya. Papasok ito ng maaga at uuwi ng gabing-gabi kung kaya't hindi na niya naabutan ang Dad niya.
Ang mas kinasama pa ng loob niya ay ang hindi man lang nito pagkusang maglaan ng oras para makasama siya nito.
Dahil kahit na nai-paliwanag na ng Dad niya ang pagmamahal nito sa Mommy Ava niya, kahit kailan ay hindi naman niya naramdaman ang pagmamahal nito ng tama para sa kaniya. Bilang anak nito sa minamahal nitong babae.
Halos isang oras din silang bumibiyahe nang tumigil ang kotse sa isang daungan. Napabuntong-hininga si Phoebe kapagkuwan ay lumabas siya ng kotse
Agad na humampas ang malakas na hangin kay Phoebe at nilipad ang buhok niya kaya naman tinanggal niya ang sunglass niya at napatingin sa makulimlim na kalangitan.
Is it going to rain?
Pakiramdam ni Phoebe ay babagyo lalo na't nakikita niya ang malakas na paghampas ng tubig sa barko na ngayon nasa harapan niya.
Walang siyang ideya kung saan sila pupunta o bakit sila sasakay ng barko ngunit nanatili siyang tahimik habang nakasunod kay Aliyah at sa Dad niya habang papasok sa barko.
Hanggang sa ihatid sila ng Dad niya sa sarili niyang cabin suite kasama si Aliyah.
"So..."
Napataas ng kilay si Phoebe at napatingin kay Aliyah na ngayon ay nakaupo sa kama nito na katapat lang ng kama niya.
"What?"
"Ate Phoebe? Are you mad at me?" tanong sa kaniya ni Aliyah habang nakanguso na naman ang labi nito.
Gustong mapangiti ni Phoebe ngunit agad rin niyang pinigilan ang sarili at tinalikuran si Aliyah para maitago ang sinusupil niyang ngiti.
"No. Why would I be?" Phoebe said before facing Aliyah again.
"Because I feel like you are mad at me and I don't know why..." nakanguso nitong sabi habang malungkot na nakatingin sa kaniya. "We never talk. We never play anymore."
"Aliyah, I'm eighteen years old. I have my own likes and adventures that are different from yours. Don't rely on me, Ali. Find some friends to be with," malamig niyang sabi sa kaniyang Stepsister kapagkuwan ay napabuntong-hininga bago humiga sa kaniyang kama.
"That's it? Find some friends to be with? Don't rely on you?" Pagak na tumawa si Aliyah, tila nasaktan sa sinabi niya rito. "How could I possibly do that if you are the only person I considered as a friend, Ate Phoebe?"
Napalunok si Phoebe habang ramdam ang sakit na nararamdaman niya. Parang piniga ang puso niya sa sinabi ng Stepsister. Aliyah is also the person she considers as a friend.
Kahit na anak ito ng madrasta niyang Stepmother na hanggang ngayon ay may sakit pa rin at kasalukuyan nakahiwalay sa kanila, malayong-malayo ang ugali nito sa Ina.
Though her decision is final. She wants to shut Aliyah out of her life until they are finally okay. Kahit na walang kasiguraduhan ang ginagawa niya, she thinks what she's doing is still the best.
"This conversation is over, Aliyah. Just please, shut up. I still need to rest," Phoebe said as she lays in her bed and turns her back on Aliyah.
Hindi na niyang narinig pa si Aliyah bagkus narinig na lang niyang nagbukas at sirado ang pinto ng cabin nila.
Napabuntong-hininga na lang si Phoebe kapagkuwan ay bumangon para kuhanin ang kaniyang cellphone. Kinuha niya rin ang earphone niya pagkatapos ay isinalpak ito sa cellphone niya para makinig ng kanta habang natutulog.
What she thought a boring journey brings a disastrous danger ahead.
MALAKAS na kinatok ni Titus ang mismong kuwarto ni Larid. He's so excited but at the same time, feeling so innocent as he thought of having a cellphone for the first time.
Can I also take a picture of my self?
Muling umiling si Titus kapagkuwan ay sunod-sunod na kinatok ulit ang pinto ng kuwarto ni Larid.
Why the f**k Larid is not even up yet?
Naiirita na kakatok muli dapat si Titus nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Larid at bumungad sa kaniya ang isang babae na hinala niya ay nakahubad sa loob ng kumot na suot nito.
May maitim na buhok ang babae na abot hanggang sa balikat ang haba nito samantalang mala-morena naman ang kulay ng balat nito.
"Sorry, Larid is tired. We are both up all night kasi," nakangiting sabi ng babae sa kaniya na ikina-kunot ng noo niya.
He knows what happens to Larid and the woman in front of him. He is not dumb to not notice everything, especially that he saw a glimpse of Larid, naked in the bed.
"Can I enter Larid's room?" malamig niyang sabi.
I never thought Larid will bring a woman to his room or his house either.
Kahit kailan ay walang pinapasok si Larid sa pamamahay nito maliban sa kanilang dalawa ni Kellan at ang Ina nitong anghel.
This is actually the first time Larid brought a mortal woman to his house.
Tumango ang babae. "Sure, aalis na rin talaga ako. Take care of him," sabi ng babae kapagkuwan ay dumiretso ito sa katapat na kuwarto ni Larid.
Napataas ang kilay ni Titus at naghintay na lumabas ang babae. The woman might be a thief. Sa isip niya ay baka may balak lang ang babae sa pamamahay ni Larid kaya naghintay siya hanggang sa lumabas na nga ito na may suot ng damit.
Ngitian lang siya nito na sinagot niya lang ng pagtango bago ito bumaba at lumabas ng bahay ni Larid.
Guess the woman is innocent after all?
Napailing na lamang siya kapagkuwan ay pumasok sa kuwarto ni Larid na mahimbing pa rin na natutulog sa kama nito.
Titus just rolled his eyes before manipulating the flower vase on Larid's bedroom and dropped it to the floor.
Napatingin do'n si Larid kapagkuwan ay nanlaki ang mata. "What the f**k?!" galit nitong sabi at tumingin sa paligid hanggang sa makita siya nito.
"Who's that woman you slept with?" Titus asked, curious.
Ilang segundo na nanatiling tahimik si Larid. Tila iniisip nito ang sinabi niya kapagkuwan ay nanlaki ang mata na humarap sa kaniya.
Nasa mukha nito ang pagkataranta at takot habang nakatingin sa kaniya. "The woman..."
Napakunot ng noo si Titus. Nagtataka sa reaksyon ng kaibigan niya. "What about her?"
"Where is she? Where did she go?!" sabi ni Larid at akmang tatayo ng pigilan niya ito.
"It doesn't matter. She left already," sagot niya na ikinamura ni Larid. "Bud, why are you acting like this?"
Napahilamos si Larid ng mukha. Mukhang problema dahil sa iisang babae na nakatalik nito. Hindi alam ni Titus kung matatawa siya o aasarin ang kaibigan pero nanatili siyang tahimik nang makita na seryoso si Larid.
"The woman. I don't know but I think..." Muling napahilamos ng mukha si Larid. "I think that..."
Naiikot ni Titus ang mata sa pagka-inis. "Just say it already, motherfucker!"
Bumuntong-hininga si Larid bago siya nito tinignan ng seryoso. "The woman, I think she is Leila's reincarnation in this time."
Napamulagat ng mata si Titus kapagkuwan ay naiiling na ngumiti. Natutuwa siya at muling nakilala ni Larid ang pinaka-mamahal nitong asawa.
"That's why you got her that fast, huh?" tanong niya na may halong pang-aasar.
Larid shook his head at him that made him frowned. "I did not, Titus. She's engaged with someone she doesn't love."
Mahinang napatawa si Titus. "Do you want me to kill the guy?"
"Kaya mo?" bigla namang natatawa na sabi ni Larid na sinagot niya ng pag-iling.
"Why are you here again this early?" biglang tanong ni Larid na biglang ikina-excite niya.
"Bud, I want a cellphone," nakangiti niyang sabi na ikina-kunot naman ng noo ni Larid.
"I thought you, grim reapers are not allowed to own mortal thingy?" nagtatakang tanong ni Larid.
Titus just grinned. "I don't care about it. I can just put it to silent mode," sagot ni Titus na ikinatawa ni Larid.
Balot pa rin naman ang ibabang katawan nang kumilos ito palapit sa drawer ng bed table nito at inilabas ang cellphone na pagmamay-ari nito.
Lumapit si Titus kay Larid at sinilip ang gagawin nito sa cellphone kapagkuwan ay napatingin sa kaniya si Larid.
"How did you know about the silent mode?" nagtatakang sabi ni Larid na.
Titus just laughed at Larid. "Because of Phoebe," simple niyang sagot.
Larid chuckles before sighing. "Fine, let's go buy a fone."