"This is enough killing," dumagundong ang boses na iyon ni Thanatos kasunod ang swabe nitong pagbaba sa teresa kung nasaan sila ng mga oras na iyon. Malamig lamang ang mata na tinignan ni Thanatos ang ginilitan na katawan ng mortal na ginagamit ni Titus. Ngayon ay isa na lang din kaluluwa si Titus dahil ang kapalit ng paggamit ng katawan ng isang mortal ay ang sarili niya rin katawan. "T-thanatos?" kinakabahang sabi ni Larid na dahilan para mapalingon si Thanatos dito. "Why are you here?" Umiwas ng tingin si Thanatos habang si Titus naman ay nanatiling walang emosyon habang nakatingin sa katawan na kaniyang ginamit ng ilang taon. Ngayong tunay na patay na ito ay hindi na rin niya magagamit kahit pa ilang beses niyang subukan na pumasok. Huli na rin ang lahat dahil sa huli, nangyari nga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


