I PROMISE to always protect you, no matter what. -T
Napangiti si Phoebe matapos basahin ang sinulat ng kaniyang personal bodyguard sa likod ng diary kasama ang pirma nito.
Napasilip siya sa katabi niya. Tahimik ito habang nakasimangot ang mukha na nakatingin sa labas ng bintana.
Muling bumalik ang tingin niya sa sinulat nito sa diary niya. Katabi ng sinulat nitong mga salita ang pirma nitong napaka-linis tignan. Hindi na niya napansin na sinulat ng personal bodyguard niya ang mga salitang iyon.
She suddenly feels inspired. Maraming pumapasok na ideas sa kaniya lalo na't plano niyang gumuhit ng sarili niyang character.
Good thing she already knows how to do the anatomy of a character. But this time, she was inspired to make her own character from her personal bodyguard.
Mysterious and tall. Handsome with a pale complexion.
"Malapit na po tayo, Miss Phoebe," biglang sabi ng driver niya na dahilan para bigla siyang kabahan.
Now, she will need to face her Dad first. Malamang na magagalit ito sa kaniya dahil bukod sa nakipag-away siya, sinira pa niya ang binigay nitong black card matapos niyang masampal si Brittany.
She deserves it anyway. Wala siyang makapang pagsisisi sa ginawa niyang pamamahiya kanila Kendra. Sila pa nga ang nakasakit sa kaniya.
They are treating me like a slave.
Bumalik sa alaala niya ang nangyari. Ang pagpapakuha nito ng litrato na hindi siya kasama. Agad na niyang naintindihan kung ano ang tingin ng mga iyon sa kaniya.
But good thing she knows how to observe. Umpisa pa lang naman kasi ay pangit na ang mga pinapakita nitong ugali sa kaniya. Those friends who are a bad influence on her.
Phoebe scoffed at the thought. Not liking the fact that she wasted her time with people who are using her just became she came from a wealthy family.
"What's going on with that pretty little head of yours, young lady?"
Agad siyang napalingon sa katabi niya. May ngiti ito sa labi na dahilan para biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
He's so handsome.
Napaiwas siya ng tingin dito nang maramdamang nag-init ang pisngi niya dahil sa kilig.
"A-ahm... I was just thinking of what will happen tomorrow," sagot niya habang iniiwasang mapatingin sa guwapo niyang bodyguard.
"Nothing is going to happen, young lady. Trust me, I will protect you at all costs," sagot nito sa kaniya na ikinangiti niya.
She feels happy. Ito kasi ang unang taong nagparamdam sa kaniya na may pakialam ito sa kaniya.
Kahit bagong hired lang ito ng Dad niya at hindi niya ito masyadong kilala. Pakiramdam niya ay mapagkakatiwalaan niya ito.
"A-ano pong pangalan mo?" s**t.
Nahihiya siyang tumingin sa katabi niya. Why do I even feel nervous when I'm just asking his name? Gosh, crush ko na yata siya.
"Well, you can just call me T," he said that made her confused.
"Just T? Hindi mo ba sa akin sasabihin ang buong pangalan mo?"
Umiling ang personal bodyguard niya na agad naman niyang ikina-irita. Marahas na humalukipkip si Phoebe at tumingin sa labas ng bintana.
Fine. I shall never be friendly with him then.
"Nandito na po tayo, Miss Phoebe," ani ng kaniyang driver pagkatapos ay ipinark ang kotse.
Marahas na binuksan ni Phoebe ang pinto ng kotse at lumabas. She's really irritated with her personal bodyguard's odd treatment towards her.
Lumingon siya pabalik sa direksyon ng kotse kung saan nakatayo habang nakatingin sa kaniya ang bodyguard niyang si T.
She rolled her eyes on him. Hmp! Talaga ngang sinunod nito ang isa sa mga nakasulat niyang rule sa diary niya.
Number two, put a big distance from me.
Ayaw niyang makita ng mga tao na lagi itong nakasunod sa kaniya. Gusto niyang maging malaya sa mga mapanuring tingin ng mga tao sa kaniya. She hates it.
Pagkapasok niya ng mansion, agad niyang narinig ang boses ng Stepmother niyang gold-digger.
"Why are you even on her side?! She just made an issue. An issue that could ruin us!" malakas na sigaw ni Francheska.
Nakayuko siyang naglakad habang iniiwasan ang mga tingin na ibinibigay sa kaniya ng mga katulong.
"Ang pangit pala ng ugali ni Phoebe. Namahiya daw. Walang pinagkaiba kay Francheska."
Naiyukom niya ang kamay niya habang patuloy na naglalakad kung saan alam niyang nando'n ang Daddy niya. Sa library.
How come that I was like that nosy b***h? Wala ba akong karapatan lumaban sa mga taong ginamit lang siya?
She bit her lip before sighing as she came face to face with her Dad and Stepmother.
"Dad." Dahan-dahan siyang lumapit sa Dad niyang nakaupo sa swivel chair nito.
Parehong may galit na nakatingin sa kaniya ang Dad at Stepmother niya.
"Now, Phoebe! Look what you just did. Every elite family in this town knows what you just did and you're ruining our family's image," her Stepmother stated before turning to her Dad. "This is what I'm talking about Philip. Hindi mo na dapat pinayagang pumasok sa isang unibersidad."
"But I was just fighting back. They are using me, Dad," nanghihinang sabi ni Phoebe.
She's holding back her tears as she keeps her gaze on her Dad. She can't breakdown now especially that she's the one who has been used by those socialites.
"Using you?! From what I've heard, ikaw ang namahiya. At tatlong anak pa ng Kaibigan ng Dad mo ang pinahiya mo?" ani Francheska na nakapagpa-irita sa kaniya.
"Yes! Pinahiya ko sila but it's nothing! Nothing with the fact that they're using as their pet! Hindi kaibigan ang turing nila sa akin!"
Natahimik ang Stepmother niya habang ang Dad naman niya ay nakatitig na nakakunot ang noo sa kaniya.
"But still, you slapped Mr. Galvez's daughter," said Francheska as she darted her gaze on her Dad with a smirk. "What do you think, Philip? Kaya mo bang mawala si Mr. Galvez dahil sa anak ng kerida mo?"
Phoebe was about to shout at Francheska when her Dad slammed both of his hands on the wooden table.
Napaatras ang Stepmother niya sa gulat habang pareho silang nakatitig sa Dad niyang nakakuyom ngayon ang kamao.
"You, Francheska, does not have the right to say those words on Phoebe!" Her Dad, Philip said while his jaw is tensed because of anger.
"What?! Ako ba ang may kasalanan dito, ha?Philip?!" nanlilisik ang mata na tinuro siya ni Francheska. "She was the who's putting our family in disgrace, Philip! Bakit sa akin ka nagagalit?!"
"Phoebe did what she thinks is right. About this matter, ako na mismo kakausap kay Anton," sabi ng Dad niya na mukhang ikinainis ni Francheska.
"What? Phoebe did what she thinks is right?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Philip? Dinungisan niya ang pangalan ng mga Rhoades! She should owning what she just did!"
"This is enough, Francheska! I had enough of you shouting, being nosy over things that don't matter. What matters here is who became the victim. Anton Galvez should know that her daughter and her friends are bullies in their university. I am already expecting this as I told one of my men to keep eyes to those who will get near to Phoebe," her Dad stated then made her eyes went wide.
Pinapasundan talaga ako ni Dad? So T was really following me all along?
Parang may humaplos sa puso niya dahil sa natuklasan niya. Maybe her Dad does care for her. Sadyang hindi niya lang ito pinagbibigyan ng oras para makausap dahil rin sa galit niya rito.
"I can't believe this. Bakit ako pa ang inaaway mo?! Asawa mo ako, Philip. Ako ang asawa mo!" sigaw ni Francheska.
"Yeah, you're my wife but I don't love you! I only care about Phoebe and Aliyah but never you, Francheska. Now get out of my sight, Francheska! Get out!" her Dad shouted that made Francheska leave the library.
Parang nanghihinang umupo sa swivel chair nito ang Dad niya at hinilamos ang mukha.
Pareho silang tahimik ng Dad niya hanggang bigla itong magsalita.
"I met your Mom... She was like you back then. She's strong whatever words she will receive. Kahit gaano kasakit. Kahit anong panlalait ang itapon sa kaniya ng Dad ko, she remained the strong, persistent woman I've known."
When her Dad looks up to her, her heart clench at the sight of her Dad, silent crying.
"I really love your Mom, Phoebe. I do. But I can't be with her because if I push what I wanted, my Dad will ruin her life. That's why I pushed her away. Pumayag ako sa makasal sa taong hindi ko mahal."
Phoebe started to sob as she continues to listen to what her Dad wanted to say.
Dad, I'm sorry that I judged you.
TITUS sighed after turning his back on Phoebe and her Dad.
He made his self invincible just so he can enter the mansion and check out on Phoebe. But I guess Phoebe doesn't need me there.
He's somehow happy that Phoebe's Dad does know now to stand up to his abusive wife on Phoebe.
I'm happy for you, Phoebe. Finally you're Dad knows how to express his self now.