Malawak ang ngisi ng babaeng anghel habang nakikita ni Titus sa mga mata nito ang pagkatuwa. "Leila!" muling sigaw ni Larid at sa pangalawang pagkakataon, may halo na iyong sakit at paghihinapis. "Well, just like what they says," ani ng babaeng anghel bago tinanggal sa pagkakabaon ang espada nito mula sa gitnang dibdib hanggang sa likod ni Leila. "No one can escape death." Walang buhay na humandusay ang katawan ni Leila sa malamig na konkretong bato habang ang dugo nito ay nagsisimulang dumaloy ng mabilis palabas sa katawan nito. "Leila!" muling sigaw ni Larid kasama ang malakas nitong pag-iyak. Napaluhod si Titus habang unti-unting nawawala ang lakas ng kaniyang pagkakahawak sa pag-aari niyang karit. Dahan-dahan iyong natumba mula sa kaniyang kamay kapagkuwan ay malakas na kumala

