Napabuntong-hininga na lamang ng malalim si Titus sa narinig niyang iyon mula kay Thanatos. Naiinitindihan niya na hindi na siya tutulungan nito kagaya ng ginagawa nito noon sa kaniya upang hindi siya tuluyang maglaho. Lalo na at bumalik na sa kaniya ang kaniyang alaala, hindi na niya gusto na may mangialam sa kaniya. At gusto man niyang magpasalamat dahil sa binalik nito sa kaniya ang kaniyang alaala, pinangunahan siya ng kaniyang galit at hindi na nagsalita tungkol do'n. "I still have one question," panimula ni Titus bago nag-angat kay Thanatos na naghahantay sa kaniyang sasabihin. "My mother. If everyone died and got reincarnated for their next life, why is my mother is not here?" Napayuko si Thanatos sa kaniya kaya sigurado siya na may sagot ito sa kaniyang katanungan. "Where is

