"Where do you want to go, my Queen?" narinig kong tanong ni Harvey. Sakay na kami ng sasakyan niya at ilang minuto na din kaming bumibiyahe. "Anywhere, Harv. Kahit saan na tahimik. Gusto kong mag-isip at mapag-isa." sagot ko sa pagitan ng mga pagsinghot ko. Hindi naman nagtagal ay huminto kami ni Harvey sa harap ng isang cathedral. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pintuan ni Harvey. Agad akong bumaba at pumasok sa loob ng simbahan. Naupo ako sa huling hanay ng upuan at saka tahimik na nakatingin lang sa unahan kung saan naroon ang imahe ni Jesus Christ. Nagpapasalamat ako kay Harvey at hinayaan niya muna akong mapag-isa. Hindi ko alam kung nasaan ito ngayon pero alam ko namang hindi niya ako iiwanan dito. Maraming tanong sa

