Nang mga sumunod na araw, salitan kami ni Mama sa pagbabantay kay Papa. Medyo okay na naman si Papa pero still under observation. Marami pang tests and laboratories na kailangan bago siya bigyan ng go signal na pwede na siya makauwi. Sa maghapon ay si Mama ang bantay. Tapos ay dadating ako ng mga alas kuwatro or alas singko para ako naman ang magbantay kay Papa sa gabi hanggang madaling araw. Bilang isa nang senior citizen, mas kailangan ni Mama ng mahusay na tulog sa gabi. Paminsan minsan ay nadadatnan ko si Judd na andun na or kasunod ko siyang dumadating. Pero kadalasan si Mama at Papa ang kausap niya. Na pinagtataka ko naman kung bakit ni hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Bakit ka naman titingnan? Wala na kayo di ba? Ewan ko ba! Dapat pa

