Kakatapos ko lang maligo. Humarap ako sa tokador. For the first time napagtuunan ko ng pansin yung nakahilerang mga Hello Kitty na suklay sa ibabaw. Halos lahat ng effort ay ginawa na ni Nanay para magpaka-babae lang ako. Binili ni Nanay ito matagal na pero ni hawakan ay hindi ko nagawa. Sa iksi kasi ng buhok ko, yung daliri ko lang ang ginagamit kong pangsuklay dito. Bukod sa tipid na, wala pa akong dala-dala. Pero this time, nangangati ang mga kamay kong damputin ang isa dito at gamitin. Dahan-dahan kong dinampot ang isa. Sinuklay ko ang buhok ko. Gaano kaya katagal hahaba itong buhok ko? Sinusuklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Tatlong araw na mula nang ma-meet ko si Adam pero hindi na ito maalis sa isip ko. Paano ba niya ako mapapansin? Patuloy lang ako sa pagsusu

