Mabilis lang kaming nakarating sa lugar ng party. Sa isang subdivision iyun na halata mong puro may-kaya ang nakatira base sa naggagandahang mga bahay doon. Nang ihinto ni Adam ang sasakyan ay nakaramdam na ako ng kaba sa isiping makakaharap ko uli si Gracie. Hinawakan ni Adam ang kamay ko, at saka ako iginiya papasok sa venue. Humanga ako sa ganda ng lugar. Pagbungad namin sa party ay halos marami na ding tao ang naroon. Sinalubong kami ni Gracie. Eleganteng-elegante ito sa suot niya. Isang malapad na necklace lang ang accessories nito pero litaw na litaw ang ka-elegantehan. Halos lumuwa naman ang dibdib nito sa sobrang baba ng damit nito. Napalingon tuloy ako kay Adam kung tinitingnan ba niya ang dibdib ni Gracie. Selos ka, girl? Hindi. Insecure lang. "Oh, Adam darling! It's good yo

