"What is happening here in my company!? Lahat kami ay napalingon sa bagong dating. Si Sir Cunanan! Oh my! Mawawalan pa yata ako ng trabaho... Napatigil din iyong dalawang nagsusuntukan. "Lance? Ano 'to?" tanong ni Sir Cunanan kay Lance. Napalunok ako. Nakita kong pinunasan ni Lance ng kamao niya ang dugo sa pumutok nitong labi bago hinihingal na ngumiti kay Sir Cunanan. "Tito...." "Lance... ano na lang ang sasabihin sa akin ng Papa mo?" nag-aalalang tanong dito ni Sir Cunanan. "Wala lang 'to, Tito. Kulang na kasi ako sa practice kaya naghanap lang ng ka-sparring..." at saka pilit ngumiti ito. Napailing si Sir Cunanan. "And you! Who are you, young man?" tanong nito kay Adam. "B-Boyfriend ko po, Sir..." sagot ko bago pa makasagot si Adam dito. Napatingin sa akin si Sir Cunanan.

