[Hannah] "Maihahanap ba ako ni Harvey ng posisyon dun sa inalisan mo sa Dubai? May bakante kaya ngayon dun?" lakas loob kong tanong kay Clover. Napakunot-noo ito sa akin. "Hannah? Magsabi ka nga ng totoo sa kin. Ano bang ginawa sa iyo ni Adam?" "Wa-Wala naman. Gusto ko lang.... makapag-isip. Ganun," sabi ko rito. "Bakit hindi kayo mag-usap? Tingnan mo kami ni Judd. Umalis ako nang hindi kami nagkakalinawan. Suma-tutal, kaming dalawa rin naman ang nagdusa. Mabuti na lang sobrang in- love sa akin ang asawa ko, kaya hindi naghanap ng iba. Bull's eye tuloy..." sabay nguso nito sa kalong niyang si Josh, at saka inginuso rin ang nasa kuna pang si Jett. Napangiti ako. Na-imagine ko tuloy ang sarili kong may kalong na sanggol. "Dito ka na kumain, Hannah. Mayamaya lang ay darating na si Judd

