Bigla na lang may narinig akong tugtog from nowhere. There are times When I just want to look at your face With the stars in the night "Hi!" Lumingon ako sa pamilyar na boses na yun. Napangiti ito nang makita akong umiiyak. Lumapit ito sa akin at saka pinunasan ng daliri niya ang basang pisngi ko. "You're stalking me...." sabi ko dito. "Yeah. I thought, kailangan ko nang ipaalam sa iyo ngayon..." "But why?" "Anong why? Why am I stalking you? Or bakit sa tingin ko kailangan ko nang ipaalam sa yo?" kunot-noong tanong nito pero nakangiti. "Pareho," tipid kong sagot. Ngumiti si Adam at masuyo akong tinitigan. Yung titig na parang ang ganda-ganda ko. Na ako lang ang nakikita niya ngayon. Na parang ako lang ang mundo niya. Parang bigla tuloy akong nailing, at parang gusto kong matunaw

