"Bro! Puro ka na naman trabaho.... sabi nga nila – unwind-unwind muna kapag may time!" banat ni Chad pagkapasok sa opisina ko. Nasa likod naman ang tatawa-tawang si Adam. Napatigil ako sa ginagawa ko. Tiningnan ko ang Rolex watch ko sa braso. Alas sais na pala ng gabi.... Ibinaba ko ang mamahaling ballpen ko at saka iniunat ang katawan ko. Patamad na isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng swivel chair ko. Mula nang bumalik ako ay double time ako sa mga trabaho ko. Although hindi naman napabayaan ni Tito Hernan ang opisina, pero gusto kong ma-review lahat ng naging transaksiyon nila nung naka-comatose ako sa loob ng halos anim na buwan. "Kailan kaya kayo papasok dito sa opisina ko na kumpleto kayo?" tanong ko sa kanila. "Wala pang pinagtataguang babae si Judd kaya hindi pa nauuwi ng

