"Judd!!! What's this??!" sigaw ko mula sa loob ng banyo. Nasa harap ako ng salamin kaya napansin ko yung mga maliliit na marka sa bandang ibaba ng leeg at bandang itaas ng dibdib ko. Agad namang pumasok si Judd. "Yes, sweetie?" inosenteng tanong nito. "Ano tong mga ito?" inis na tanong ko uli sa kanya. Siya lang naman ang alam kong may kagagawan nito eh. Wala namang iba! My goodness! Sinasabi ko na nga ba iba yung pakiramdam ko kagabi sa mga halik niya sa leeg ko. Pinaningkitan ko ito ng mata nang bahagya itong tumawa. Pero binalewala lang niya ang 'tiger look' ko at saka ngumiti lang sa akin after nung pagtawa niya. "Hindi ako natutuwa, Judd. Promise..." inis na sabi ko dito. Kailangan ko pa tuloy pumili ng d

