AFTER ng ilang ikot at pagsusukat, halatang napagod na din si Clover. Niyaya ko siyang mag-lunch na kami. "Libre mo yan ha...ikaw ang nagyaya." sabi pa niya. "Basta para sa yo Sweetie ko, walang problema." nakangiti ko pa ring sagot na inirapan lang niya. Dinala ko siya sa isang resto na medyo dim ang ilaw at medyo private ang dating dahil sa mataas na mga upuan na nagsisilbi na ding divider niya. Habang hinihintay namin ang order, nag-vibrate ang cell phone njya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nag-flash sa screen ang isang pangalan. Raymond calling.... Agad na dinampot ni Clover ang phone niya at saka in-end yung call. "Hindi mo ba sasagutin?" ani ko. "Yaan mo na. Maya na lang." sagot niya pero sa iba ng bahagi ng r