Araw ng Sabado. Tamad na tamad talaga akong bumangon. Sabado naman ngayon baka pwedeng hindi muna ako magpunta sa opisina. Pinag-iisipan ko kung dadalaw ako sa lumang bahay namin. Pero nakahanda na ba akong harapin ang mga magulang ko kung sakaling magtanong sila? Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pintuan. "Shocks Clover! Ano ka ba? Nag aalala na ko sa iyo. Bakit hindi kita matawagan? Kahit sa f*******:, hindi kita ma-message. Saka....bakit ganyan ang itsura mo?" sunod-sunod na tanong ni Hannah. Laking ginhawa ko nang makita ko si Hannah. Kahit papaano ay may makakausap ako. "Clover, may problema ba kayo ni Judd?" tanong nito. May inilapag itong box ng donut sa bedside table ko saka naka-styro na mug na mukhang kape

