[Judd] . Nakatingin ako sa screen ng plasma TV ko dito sa condo habang may umiinom ng alak. Hindi ko naman naiintindihan yung pinapanood ko. No choice lang talaga ako. Wala naman akong pwedeng kausapin dito sa condo ko kasi mag-isa lang ako. Wala akong nagawa nang magpaalam bigla si Clover na lalabas ngayong gabi para sa biglaang pa-despedida sa kanya ng mga kaopisina niya. Kasalanan ko din naman. Pinaasa ko kasi siya na babalik na siya sa dating trabaho niya. Hindi niya alam na one week ago, kinausap ko na ang may-ari ng opisina niya na magre-resign na siya. Naintindihan naman ng may-ari. Siyempre nga naman sa status ni Clover ngayon priority na nito ang bagong pamilya niya. Na hindi ko alam bakit si Clover parang hindi ganun ang priority niya. Kaya ng

