"No!" Limang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. Tiningnan ko si Mama. Tila may pagsusumamo sa titig niya sa akin. Tiningnan ko si Papa. Pero nag-iwas lang ito ng tingin sa akin. "This will be for your own good, anak..." sabi pa nito. "Pero hindi kami pwedeng magpakasal!" protesta ko. "Bakit naman, iha?" naguguluhang tanong ni Mrs. Madrigal. "Bakit? Nagpakasal ka na ba kay Raymond?" sabi ni Judd na parang may bahid panunumbat ang boses kaya hindi ko maalis na hindi mapalingon kay Judd. Kita ko pa ang pag-igting ng mga panga nito. Galit ba siya? "Sa pagkakaalam ko, yung mga kasal na tao lang ang hindi na pwedeng ikasal uli." sabi nito habang matiim ang pagkakatingin sa akin kaya pinantayan ko ang tingin niya.

