Chapter Fifty-two "Fabio, balik na tayo sa bahay ni governor." Yaya ko sa lalaki. Inabutan ako nito ng tissue na agad kong tinanggap. "Ayos ka lang ba, ma'am?" worried na tanong nito sa akin. "Y-es. A-yos lang ako. Tara na. Wala nang kasal na magaganap." Hindi na nagtanong pa ang lalaki. Pinausad nito ang sasakyan nang walang tanong-tanong pa. Wala na akong kibo buong biyahe. Pagdating naman sa bahay ay agad akong nagkulong sa silid. Tulala sa kisame... saka gumagawi sa engagement ring na suot ko. "Emergency iyon, Yunako. Huwag mong masyadong damdamin." Malungkot ang tinig na pagkausap ko sa sarili. "Huwag ka nang malungkot. Okay lang iyon, Yunako. Smile. That's fine, girl. Okay lang. Okay... okay ka lang. Dapat palagi ka lang okay." Pero tukso ang mga luha ko na pumatak. "Girl, m