Chapter Twenty-one "Gusto mo bang maligo sa falls?" minamasahe ni Governor Lucca ang binti ko nang tanungin niya ako ng gano'n. "Of course! Where is the falls?" ani ko na agad binati ang binting minamasahe nito. "Hindi na masakit ang binti mo?" takang tanong niya sa akin. Saglit akong napaisip. "I think hindi na... mamaya ulit ito sasakit. Let's go sa falls." "Maghanda ka na pala habang hindi mo pa iniinda ang sakit." Sarcastic na ani nito. Sino ba namang hindi magiging sarcastic... siya na ang nagbuhat, tapos siya pa ang kailangan manghilot. "I'll change na." Kinalkal ko agad ang bag ko na hindi man ako ang nagbuhat pero nakarating ng bundok. The best talagang sila Fabio. "This one?" tanong ko sa lalaki na agad umangat ang kilay pagkakita sa two-piece ko. "No." "I can make