Chapter Twenty-three "Good morning, Prifa!" bati ko sa batang nakita kong nakaupo sa labas ng kubo na tinuluyan namin ni governor. Lumingon ito sa akin. Malawak na napangiti. "Hello, Ate Yunako." Tanghali na akong nagising, naligo, at almusal. Parang nagawa na halos lahat ng mga tao ang dapat nilang gawin. Umupo ako sa tabi nito. Ang bata'y nakamasid sa akin. "Parang kulang ka sa tulog, ate." Why? I have eye bags ba? "Ha? May black circle ba sa mata ko?" "Hindi naman po. Pero para ka pong napuyat." "Ah! May narinig kasi akong kwento tungkol sa barrio ninyo. I'm scared kaya hindi agad ako naka-sleep." "Kwento po?" "Hindi mo ba alam? Secret lang natin ito, kasi sabi ni gov aksidente lang niyang na-hear." "Ano po iyon?" wari'y takang-taka ito. Nagsimula akong nagkwento rito. K