Chapter Sixty-four "Iyong mga vitamin mo inumin mo raw sabi ni doc. Dalawa pa naman iyan. Aba'y dapat healthy ka palagi." "Gusto ko nang pakwan." Napasinghap ang tatlo. "Yuna, binibilinan ka sa vitamins mo tapos paglamon na naman ang iniisip mo. Bago tayo umalis kumain ka pa ng mangga na tinda sa gilid." Sermon ni Apolinario. "Seedless na watermelon... iyon ang gusto ko." "Pambihira kang babae ka." Sabay-sabay na sabi ng tatlong itlog. Saka lumiko ang sasakyan na kinalululanan namin. Mahabang palayan ang nasa gilid na ngayon ay tinatanaw ko. Sobrang lawak no'n. "Poli's farm?" takang ani ko nang matanaw ko ang arko. Tinignan ko si Apolinario. Hindi ito nagsalita. Walang nagsalita sa kanila. I'm so nagtataka. Idagdag pang pinagbuksan agad ang pick-up pagdating namin sa malaking tarang