Chapter Fifty-eight "Ma'am, saan ang punta?" agad na harang ni Akeke sa akin saktong pagbaba ko na nagmamadali. Agad ko naman hinila ito palabas. "Ma'am?" "Akeke, nasa labas si Libby." "Magtago ka, ma'am." Akmang hihilain din niya ako but I stopped her. "No, Akeke. Haharapin ko siya. Makikipag-usap ako sa kanya." Seryosong ani ko rito. "Ma'am, nasisiraan ka na talaga ng tuktok. Bakit ka haharap sa legit na fiancee? Gusto mo bang maubos na iyang buhok mo?" biglang na stress na ani nito. "I need to do this na rin, Akeke. Pero for my safety na rin ay sinasabi ko sa 'yo ito. Sundan mo ako pero hindi ka magpapakita kina Libby. Kung may hindi man magandang mangyari ay saka ka tumawag ng guards." "Ma'am, kinakabahan naman ako sa plano mo. Huwag na lang, ma'am. Sabihin ko na lang ka