Chapter Fifty-four Think, Yunako! Think! May babaeng umiiyak sa harap ko... kahit may idea na ako sa issues nila ni Governor Lucca ay may guilt pa rin akong naramdaman. "W-hy? G-inawa ko naman ang lahat para maging deserving sa love at atensyon niya. Pero bakit naghanap pa siya ng iba?" para itong nanghina kaya agad ko siyang inalalayan. "M-iss, p-arang nagkakamali ka." "W-hat? Ito ka na sa h-arap ko. Narito ka sa bahay ng fiance ko. Niloloko ninyo akong dalawa." Napahagulhol na ito nang iyak. Kaya naman hinila ko siya sa braso habang papasok ng bahay. Nagpupumiglas ito but I think mas malakas ako rito. "C-alm down, miss. Nagkakamali ka." Pagsisinungaling ang tanging way para makalusot. I hate it. Pero kailangan kong gawin. "A-nong meron sa 'yo para piliin ka niya? Anong meron s