Chapter Twenty-five "Gray!" tuwang ani ni Libby nang dumating ang gobernador. Narinig ko ang excited na yabag nito na sinalubong ang lalaki at niyakap ito. "Libby, w-hat are you doing here?" ani ni gov. "Nasa labas ako kanina. Sabi ng isang staff ay dumating ka kaya nagpunta agad ako rito." Base sa mga yabag ay nagtungo ang dalawa sa couch. "Hindi mo nga sinabi sa akin." "I did, Libby. I texted you." "Oh, really? Hindi ko pa tinignan ang phone ko." Ang lambing-lambing magsalita ng babae. Mukhang masayahin ito't masarap kausap. "Kabagay, uy!" dinig kong komento ni Akeke. "Akeke, ayaw mo ba talagang bumaba? Gusto ko sanang ma-solo ang fiance ko." Hindi ko alam kung nagbibiro lang ang babae. Base kasi sa tono nang pagsasalita nito ay parang gano'n nga. "Ma'am, dito na lang po. May gov