Chapter Sixty Walang nakinig sa pagmamakaawa ko. Ikinulong nila ako sa kwarto. Bumubukas lang ang door kapag naghahatid ng food at chine-check ako. Alam na kaya ni governor na nawawala na ako sa hacienda niya? Napapaisip ako. Ano kaya ang reaction niya? Nag-aalala kaya siya o baka para siyang nakahinga nang maluwag? 2 days na... para akong nakakulong sa hawla. Naso-suffocate ako pero walang pakialam ang mga tao sa paligid ko. "Gumaling ka na sa tagalog mo, Yunako. Straight na straight ka na sa pagsasalita ng tagalog." Maingat na sinusuklay ni mama ang buhok ko. Para lang akong tuod na nakatulala sa harap ng salamin. "Nakausap ko na si Pancho. Susunduin ka niya rito para isama sa bahay niya. Anak, kayang-kaya mo namang paamuin ang isang iyon. Gagawin ka niyang reyna. Makukuha mo ang