Chapter Forty-nine "Ingat ka." Bilin ko sa gobernador na papasok na naman. Iniabot ko na rin dito ang lunch bag niya kung saan naroon ang niluto 'namin' na baon niya. Yes, namin. Kasi tumulong ako kanina. Tagaabot. "Don't forget to eat your lunch, Yunako. I-microwave mo na lang. Itinuro ko naman na sa 'yo iyon." Tumango ako rito saka bahagyang tumingkayad para bigyan ito nang halik. "Uwi ka nang maaga." Bilin ko. "Why?" "Magsha-shave ako." Napabungisngis ang gobernador. "Uuwi ako nang maaga." Tugon naman nito at nakuha pang kumindat. "Hihintayin kita." Kinabig ako nitong hinalikan pang muli ang labi ko bago siya lumulan sa sasakyan kung saan naghihintay na ang driver niya ngayon na si Fabio. Agad na rin silang umalis. Hinintay ko lang na kusang sumara ang gate bago ako pumas