“Sir?” wika ni Zyren pagkapindot ng answer button ng cell phone. “Ipapasundo kita kay George mamaya 6pm. May trabaho tayong tatapusin mamaya,” rinig niya sabi nito sa kabilang linya. Napakunot noo ang dalaga. Anong trabaho naman iyon e natapos at naayos na niya kanina yung mga dapat ayusin para bukas. “Do you hear me?” muling wika nito nang hindi marinig ang sagot niya. “Yes, Sir,” tugon ni Zyren. “Good!” rinig niyang sinabi nito at tunog tot na lang ang kanyang narinig pagkatapos. Napapailing na lang ang dalaga. Akala pa naman niya ay makakapagpahinga siya ngayon ng maaga. Napatingin siya sa kanyang suot na relo at alas singko pa lang naman kaya magbibihis na muna niya. Hays! Nakakainis talaga. Laglag tuloy ang balikat habang naglalakad papunta sa tinitirhan nila. “Oy, Zy… Long ti