“Zy, sa bahay ka na pala mag-dinner, ah? May kaunting salo-salo kasi na gaganapin sa bahay ngayon dahil birthday ng asawa ko,” wika ni Rita nang makabalik sila sa kanila puwesto. “Birthday pala ng hubby mo, Ate? E marami kayong bisita niyan.” “Iilan lang naman ang invited. Mga malalapit lang na kaibigan ng asawa ko ang ilan sa mga bisita namin.” “Nakakahiya naman ate Rita,” sagot ni Zyren. “Anong nakakahiya doon? Para naman ‘tong others. Ayaw mo lang talaga,” tila nagtatampo na saad ni Rita. Para sa kanya ay hindi na iba si Zyren na kahit pa hindi pa sila matagal na magkakilala ay parang kapatid na ang turing niya ito. Magaan kasi talaga ang loob niya sa dalaga unang kita pa lang niya rito. “Oo na po, pupunta na. ‘To naman kung makatampo daig pa ang anak e…” pabirong sabi ni Zyren.