“Bwisit siya! Bumili pa ako sa labas ng kape niya tapos hindi naman pala niya iinumin. Ano bang problema niya? Hindi na talaga ako natutuwa sa ugali niyang sala sa init sala sa lamig!” inis na bulong ni Zyren pagkabalik niya sa kanyang mesa. Mayamaya ay lumabas ang boss niya sa opisina nito. “Take care of this, and this,” anang boss niya habang naglalapag ng iba’t ibang papeles sa table niya. “Oh, and these too.” Ibinagsak na nito ng tuluyan ang maraming folders sa table niya. “I need you to call them, one by one and do the primary interview with them. Should be done until the end of the day, is that clear?” Napanganga naman si Zyren. “Hindi ko po ‘to matatapos until the end of the day, Sir. There’s…” tiningnan niya ang mga folders. “Twenty pieces of resume here! Sobra naman po. Baka pu