“Sir, tatawagan ko na lang po si George para po masundo kayo,” ani Zyren matapos kalmahin ang sarili. “No! George is in Manila, he’s not here,” sagot naman ni Lorrenze. Napatango-tango ang dalaga. Kaya naman pala siya ang tinawagan ng boss para sumundo rito, wala pala si George. At dahil doon, wala ng nagawa pa si Zyren. Tumawag na lang siya ng taxi para maihatid na ang boss. Akmang tataas na sana niya ang kamay nang may humintong sasakyan sa harap nila. “Marie…” tawag nito sa kanya pagkababa ng salamin. “Robert? Bakit narito ka pa?” tanong ng dalaga ng makilala ito. “Hinintay talaga kita, si—” “Lets go!” mariin at tila galit ang boses na sabi ni Lorrenze kay Zyren ng makilala kung sino ang lalaking nagmamaneho nang sasakyang huminto sa kanilang harapan. Tila nawala bigla ang tama n