Three months later… “Zy, ‘di ba last day na bukas ni Rita?” biglang tanong ng katrabaho, kakilala at kaibigan na rin ni Zyren sa kumpanya nang makita siya nito sa CR. “Oo. Bakit mo naman natanong?” “Wala lang. May napili na kaya si sir na kapalit ni Rita? At sino naman kaya ang masuwerteng papalit? Biruin mo, kung gaano kalaki ang sahod ni Rita ay ganoon din ang magiging sahod niyong kapalit niya.” “Wala akong idea diyan dahil wala naman nabanggit sa akin si ate Rita.” “At kung wala pang napili na kapalit, edi maso-solo mo na niyan si Sir,” wika nito. Napakunot noo naman si Zyren. “Maso-solo?” “Syempre, kapag wala na si Rita at wala pang kapalit ay maso-solo mo na ang guwapo nating boss.” Natawa na lang si Zyren. Hindi na rin niya ito sinagot at tinapos na ang pag-aayos sa sarili d