Can this meeting last any longer? Inip na pinatunog ni Lorrenze ang kuko sa desk habang hinihintay na matapos magsalita ang kung sino mang nagsasalita. Tiim ang bagang niya habang inip na inip at pinagmamasdan ang presentasyon sa harap niya pero agad na naaagaw ng peripheral view niya ang kamalayan niya. He can’t focus on anything other than that woman on the corner of the room. Tahimik itong nakikinig habang paminsan-minsang naglilista ng kung ano sa notepad nitong dala. Ipinilig ni Lorrenze ang ulo niya at pilit na pino-pokus ang sarili sa presentasyon para sa project sa Bataan na itatayong hotel and resort niya. She’s wearing her all-usual peach blouse and above-the-knee black skirt with her black two inches shoes. Ngayon lang niya pinansin ang bawat detalye nito. Mula sa mukha nito