Kinabukasan, habang abala si Zyren sa kanyang trabaho, lumapit sa kanya si Rita. “Oh, Zy, mamaya, ha? Tuloy ang date ninyo nung sinasabi ko. Martin ang pangalan niyon. Hintayin mo na lang ang tawag niya dahil ibinigay ko na sa kanya ang number mo,” sabi ni Rita. Nakausap na kasi niya iyong taong gusto niya ipa-date kay Zyren at pumayag naman ito kaya excited rin siya. Matagal na niyang kilala iyon at halos kaibigan na rin niya kaya madali lang niya napakiusapan. Isa pa, kilala rin niyang mabait at marespetong tao si Martin kaya hindi rin siya nag-alangan na ireto ito kay Zyren. “Ate, nag-aalangan naman akong makipag-blind date…” aniya. “Ano ka ba? Birthday mo naman kaya ayos lang iyan. Siya nga pala, may regalo pala ako sa iyo,” wika ni Rita saka kinuha box na naka-gift wrap at ibiniga