Five days passed in a flash. Nakauwi na rin si Zyren sa wakas. Pagod ang katawang lupa niya dahil sa puro trabaho ang inatupag nila sa Hongkong at sa Greece. Gayunpaman, ipinagpasalamat pa rin niya iyon dahil kahit pagod ay nag-enjoy naman siya sa business trip na iyon dahil sa unang beses pa lang naman siya nakapunta sa sa dalawang bansa na pinuntahan nila. Siguro kung marami siyang pera at gusto niyang magbakasyon? Greece ang unang-una sa listahan niyang pupuntahan. Ang ganda kasi ng lugar at parang ang peaceful lang. Kahit pa nga hindi naman sila nag-ikot-ikot doon ay masasabi pa rin niyang maganda ang bansang Greece base na rin sa mga tanawing nadadaanan nila. “Kumusta ang biyahe, Ate?” salubong na tanong ng kapatid niya sa kanya. “Okay naman kahit pagod. Ikaw, kumusta naman rito? Na