LOVE CONFESSION CHAPTER 66 MABILIS lang nakarating si Celine sa Airport. Halos takbuhin niya ang entrance para agad itong makapasok. Subalit hinarang siya ng dalawang guwardiya. "Miss, puwede po bang matingnan ang id niyo po?" sabi ng isa. "Ha? Sandali!" tugon ni Celine at mabilis na bumalik sa parking lot at hinanap ang kanyang pitaka. Hinalughog niya pati compartment ng kanyang kotse subalit wala roon ang pitaka niya at mga personal belongings! Noon lang din napagtanto ni Celine na hindi niya nadala ang kanyang selpon. Nanghihinang napasandal ang dalaga sa kanyang kotse at mariing napapikit. Subalit hindi siya susuko, kailangan niyang maabutan si Xander bago pa ito makaalis nang tuluyan. Napatingala si Celine sa kakalipad lamang na eroplano biglang kumabog ang dibdib nito. "Oh, Lor