LOVE CONFESSION CHAPTER 54 HINDI nakatulog buong magdamag si Celine. Bukod sa paulit- ulit niyang tila naririnig ang pag- uusap nina Xander at ang Ina nito ng gabing dumalo siya sa kanilang bahay. Subalit naroon namang nagsusumiksik ang larawan ni Xander at aminado siyang miss na miss na agad niya ito. Nagtatalo ang kanyang isipan at puso kaya paudlot- udlot ang pagtulog nito. Kaya ang bunga, masakit ang kanyang ulo at para siyang papel na sumasabay lang sa ihip ng hangin. Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan nang biglang tumunog ang kanyang phone. Bantulot niyang sinagot iyon habang nagda- drive. "Good morning baby! Sabay tayong lunch mamaya, pumasok na ako! Okay na rin si Daddy! I miss you," bakas sa tinig ni Xander ang kagalakan. Napalunok si Celine, miss na niya rin ang binata ka