LOVE CONFESSION
CHAPTER 6
HINDI na mawaglit- waglit sa isipan ni Celine ang mga nasabi ni Dana. Gusto niyang magtanong muli sa dalaga subalit pinipigilan siya ng kanyang pride. Binara niya kasi kanina tapos ngayon ay magtatanong siya tungkol doon? No way! Para na rin niyang sinabing isa siya sa mga tsismosang kanyang sinasabi. At baka kantiyawan siya ni Dana na nagiging tsismosa na rin siya.
"Ma'am, 'yung sukli po ng kostumer!" tinig ni Vicky ang nagpabalik sa huwisyo ni Celine.
"H- Ha? Ahm, magkano ang sukli?" nautal niyang sinabi.
"Hala! Ewan ko po sa inyo! Kayo po ang umabot sa pera," tugon ni Vicky.
"H- Ha?! Ilan 'yung pera mo?" aniya sabay baling sa bumili.
Napangisi ang lalaking may hawak ng lotus flower.
"Limandaan 'yung pera ko Ma'am! Mukhang anlalim ng iniisip niyo eh!" sagot ng lalaki.
"Naku! Pasensiya ka na!" sabi ni Celine sabay abot sa sukli ng lalaki.
Napailing ang lalaki at muling tiningnan si Celine.
"Sayang! Maganda ka pa naman kaya lang parang nasa kabilang mundo ang iyong isipan." Sabi ng lalaki saka tuluyang umalis.
Kaagad namang umakyat ang dugo ni Celine sa kanyang ulo at mabilis umalis sa kanyang upuan. Hahabulin niya sana ang lalaki upang murahin ito subalit maagap siyang pinigilan ni Olivia.
"Hayaan mo na Miss Celine! Ang puso mo, kalma lang!" wika ni Olivia.
"Akala mo kung sino eh! Para lang natulalala 'yung tao lalaitin na niya nang gano'n lang?" inis na sabi ni Celine.
"Hayaan mo na Ma'am! Kostumer po natin 'yun! Pagpasensiyahan na ninyo!" sabad ni Vicky.
Hindi nagsalita si Celine pero unuusok pa rin ang kanyang ilong sa inis.
"Kaya nga ayoko ng commitment eh! Nakakapraning!" biglang sabi ni Celine.
Natahimik ang kanyang mga kasama saka sila nagkatinginan. Huli na nang mapagtanto ni Celine na siya na lang pala ang walang jowa sa kanila. Tahimik itong nagbalik sa kanyang mesa. Nagpatuloy naman ang kanyang mga kasama sa pag- aayos ng mga bulaklak. Ilang oras pa at hapon na. Oras na nang kanilang uwian at kailangan na nilang magsara.
"Gusto ko sana magdamagan ang flower shop pero, hindi ko kaya." Wika ni Celine.
"Puwede naman Miss Celine pero ang tanong, may bibili ba hanggang madaling- araw?" sagot ni Olivia.
"Oo nga eh! Plano ko kasi sana lalo na sa mga buwan na mabili ang mga bulaklak. Kaya lang, baka hindi ko kaya ang magpuyat." Muling sabi ni Celine.
"Kaya nga po!" magkasabay na sagot ni Vicky at Sherly.
"Hayaan mo na, malakas naman itong flower shop mo. Ibalato mo na lang sa mga matumal ang benta." Wika naman ni Olivia.
Napangiti si Celine dahil sang- ayon siya sa sinabi ng dalaga. Okay na sa kanya ang makabenta maghapon. Iambon na lang niya sa mga matumal ang benta at naghahanap- buhay hanggang magdamag. Para naman kumita ang mga ito lalo na sa mga nakiki- porsyento lang.
"Tama kayo! So, uwi na tayo guys! Sino ang sasabay sa akin? Ihahatid ko na sa kanila," sabi ni Celine.
Nagkatinginan ang tatlo at para namang naunawaan ito ng dalaga.
"Okay, I understand! No need to speak na, you can go!" muling sabi ng dalaga.
Ngumiti ang tatlo at tuluyan nang nagpaalam ang mga ito sa kanya. Napabuntonghininga si Celine lalo na nang matanaw niyang kanya- kanya ang mga ito ng sundo. Siya kaya? Kailan kaya may susundo sa kanya? Sukat- doon ay mabilis na ipinilig ni Celine ang kanyang ulo at nagpasya na rin siyang umuwi na rin.
Nasa daan na siya nang muli siyang ginambala ng kanyang selpon sa pagtunog nito. Kinapa niya ang kanyang bag at mabilis na kinuha ang kanyang phone habang nasa daan ang tingin ng kanyang mga mata. Agad niya iyong sinagot.
"Celine! Diretso ka na rito sa bahay ko! May pa- dinner ako, narito na si Dana." Tinig ni Shaina.
Napatirik ng kanyang mga mata si Celine.
"I'd love too but I'm tired!" sagot niya.
"Sige na, please?" malambing na wika ni Shaina.
"Look! Medyo malayo ang bahay mo, pagod talaga ako. I'm sorry but next time na lang," muling sagot ni Celine.
"Hey! I want you to come here kahit sandali lamang! I'm celebrating Celine!" masayang sabi ni Shaina.
"For what?" nakakunot- noong tanong ni Celine.
"For I'm engaged with Roman!" sabi ni Shaina sabay tili.
Biglang naapakan ni Celine ang preno ng kanyang sasakyan.
"What?!" bulalas ng dalaga saka niya itinabi ang kanyang sasakyan at baka siya madisgrasiya.
"Yes! Nagproposed siya kanina lang and I said, yes!" tili pa rin ni Shaina.
"Are you serious?" muling tanong ni Celine dahil gusto niyang makatiyak.
"Come on, Celine! Don't be bitter again! Come here and let's celebrate!" tinig ni Dana.
Gusto niya sanang tumanggi pero alam niyang hindi siya tatantanan ng dalawang bruha na ito. Kaya napabuntonghininga na lamang si Celine.
"Got it!" matabang nitong sinabi sabay patay ng kanyang selpon.
Napapailing ito na muling nag- drive. Papatawid na sana ang kanyang kotse nang mahagip ng kanyang mga mata ang bultong nakatayo sa kabilang kalsada. May kausap ito ayon sa hawak nitong selpon sa kamay. Napahinto tuloy si Celine at nilakihan pa niya ang kanyang mga mata upang masigurong ito nga ang lalaking kanyang nakasama isang gabi.
Kinusot niya ang kanyang mga mata at muling tinitigan ang lalaki. He's wearing a blue polo- shirt with black pants. Bakat na bakat ang mga abs nito at mga masel sa braso. Nakakaakit ang mga labi nitong nagsasalita habang may kausap ito sa phone. Kahit medyo malayo ito kay Celine ay parang ramdam ng dalaga ang mga haplos nito sa kanyang katawan. Bigla tuloy nag- init ang dalaga at pinagpawisan nang malapot. Nahagod niya ang sariling lalamunan at nadilaan niya ang sariling bibig. Saktong napatingin ang lalaki sa kanyang gawi nang may humarang na itim na mercedez benz sa harapan ng lalaki. Nakaalis na ang kotseng iyon na alam niyang lulan ang lalaking iyon subalit nanatiling nakatitig si Celine sa kinatatayuan kanina ng lalaki.
Malakas na busina ng sasakyan ang pumukaw sa lumilipad na isipan ng dalaga. Napakurap- kurap ito at napainom nang wala sa oras. Napasandal siya sa kanyang manibela at nanghihina. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Nagiging manyak na yata siya kahit na bulto lang ng lalaking iyon ay nag- iinit siya. Naalala niya ang kanilang mga ginawi isang gabi, dapat sana nagpatangay na lamang siya sa bugso ng kanyang damdamin noon. Nang sa ganoon, mas maganda ang kanilang mga ala- ala. Napapikit nang mariin si Celine, naramdaman na lamang niyang tila basa ang kanyang perlas. Kung kaya't napamura ito nang walang tunog. Mabilis niyang inandar ang kanyang kotse at nagpasya na siyang pumunta kina Shaina. Hindi upang mag- celebrate kundi uminom para malimutan niyang muli ang lalaking kamuntikan na niyang kinaulayaw ng isang gabi.
Mabilis siyang nakarating sa bahay ni Shaina. Tama nga ang sinabi nitong naroon na si Dana. Kumakanta ang mga ito at nabuksan na nila ang tequila na nasa ibabaw ng mesa. Mukhang nagluto rin si Shaina dahil tatlong putahe ang nakahain bilang pulutan nila. Masaya siyang pinaupo ni Shaina at sinalinan ang kanyang baso.
"Alam kong hindi ka masyadong umiinom kaya, konti lang ang sa'yo." Wika ni Shaina.
"Dagdagan mo," utos ni Celine.
"Ha?" maang naman na sabi ni Dana.
"Sabi ko, dagdagan mo!" ulit ni Celine.
Dali- dali namang dinagdagan ni Shaina ang alak sa baso ni Celine.
"Anong nangyari at tila obsess ka ngayon sa tequila?" tanong ni Dana.
"Wala! Hindi ba selebrasyon ito? Puwes, magdiwang tayo!" pagkakaila ni Celine.
Napangiti si Shaina.
"Tama! Kaya, cheers!" masayang tugon nito sabay pingki ng kani- kanilang mga baso.
Dire- diretso namang ininom ni Celine ang laman ng kanyang baso. Saka siya muling humingi kay Shaina na tila nagtataka pa rin.
"Bakit tila wala ang iyong groom to be?" maya- maya'y tanong ni Celine.
"Ano ka ba! Girls party ito! Parang shower party ko na dahil malapit na kaming ikasal!" sagot ni Shaina.
Tumango- tango naman si Celine sabay tungga ng kanyang alak.
"Pero alam mo, pinag- uusapan namin kanina ni Dana 'yung guwapong anak mayaman. Balita ko, batam- bata pa raw 'yun eh! Ang swerte naman ng babaing kasama niya that night!" saad ni Shaina.
Napalunok bigla si Celine sa kanyang narinig.
"Sino ba kasi 'yang sinasabi niyo?" inis na tanong ni Celine pero kunwari lang kasi medyo tinatamaan siya.
"Ano na nga pangalan?" baling naman ni Shaina kay Dana na kumakanta.
"Xander!" sagot ni Shaina.
Muntikan nang mabitawan ni Celine ang kanyang hawak na baso.
"Okay ka lang?" tanong naman agad ni Shaina sa dalaga.
"Oo! Okay lang ako, medyo nahilo lang!" agad na sagot ni Celine.
Napangiti naman si Shaina at nagpatuloy ito sa pagsasalita. Sa dami nang sinabi nina Dana at Shaina ay dalawa lamang ang tumatak sa isipan ni Celine. Una, ang pagkakakilanlan ng lalaking si Xander bunso sa magkakapatid at nag- iisang lalaking anak. Pangalawa, tagapagmana ng kanilang mga kayamanan once na makapag- asawa na. If ever na magkita silang muli, may chance ba na maging sila? Tototohanin kaya siya nito gayong isa na siyang old maid? Kabilang na siya sa tinatawag nilang "napag- iiwanan na nang biyahe".